![]()
Jesus Christ is the same yesterday and today and forever. - Hebrews 13:8
Si Jesu-Cristo noong nakaraan ay siya rin sa kasalukuyan at siya rin magpakailanman. - Hebreo 13:8
PAPURI'T PAGSAMBA
|
Kisapmata - Sarilikha
Thursday, June 9, 2011
(wait for 6-7 seconds for the song to load) Si Hesus ay darating na sa huling tunog ng trumpeta at tayo'y kukunin nya sa isang kisapmata. Hindi alam ang oras nang ika'y magising at ang gulong paligid ay iyong napansin mayrong nagsisigawan, may nag- iiyakan mga mahal nila sa buhay, di na matagpuan Bakit ka kinabahan nang malaman mong nag- iisa ka na? Ito'y isang hiwagang tiyak na magaganap mawawalang lahat ang kay Hesus ay tumanggap. Wala ng paghihirap, kaligtasan ay tiyak. Ngunit kung maiiwan, ano ang hinaharap? Magsisihuli na, sana ay hindi ka na ipinanganak. Mayrong mga digmaan at kapighatian na di pa naranasan kailanman. May mga laban kay Kristo, ililigaw lahat ng tao sila ang maghahari, at iibigin ang buong mundo. Hindi alam ang oras si Hesus ay darating hanggang may panahon siya ay iyong tanggapin. Kung nasa 'yo si Kristo'y di na mangangamba dumating man ang oras at tayo'y kunin Nya. Si Hesus ay babalik; ano man ang mangyari ay handa ka na. Mayroong mga digmaan at kapighatian na di pa naranasan kailanman. May mga laban kay Kristo, ililigaw lahat ng tao. Sila ang maghahari, at iibigin ang buong mundo Si Hesus ay darating na, sa huling tunog ng trumpeta. Tunay bang handa ka na sa isang kisapmata? ![]() Comment(s) : 15 | Post a Comment |
The Winnipeg Foursquare Gospel Church (formerly known as Bethel Foursquare Church) is a full gospel Filipino Christian church in Winnipeg, Manitoba Canada.
Winnipeg Time
Manila Time
TAG MESSAGING
![]() ![]()
designer's notes: |